mahal ko ang dagat, kaya naman nang umuwi ako sa aking probinsya ng capiz noong pebrero, naligo ako sa baybay beach sa lungsod ng roxas (binansagang "seafood capital" ng pilipinas, kung saan ako pinanganak). natatangi ang makikita mong shells sa dalampasigan doon dahil hugis-apa ("cone") ang mga ito at tinatawag na "torotot" shells. nakakain ang laman nito. namulot ako ng isang plastik ng mga ito at dinala dito sa amerika upang ilagay sa bote at gawing dekorasyon sa aking kuwarto, para na rin magsilbing alaala sa aking bakasyon.

habang naliligo ako sa dagat ay may natatapakan ang paa ko sa ilalim ng tubig na mga lamang-dagat, at ang tawag dito sa ilonggo ay "litog." naluluto rin ang mga ito at nakakain. pumulot ako ng mga ito. mabuhok ang shells nila.
sana ay naaliw kayo sa mga lamang-dagat ng dalampasigan sa aking probinsya.