30

litratong pinoy#17:liwaliw



tuwing ako'y nasa lungsod ng new york, tinuturing ko itong pagkakataon upang magliwaliw. at ang subway ang pangunahing pampublikong sasakyan na nagdadala sa akin sa nais kong puntahan. sa halagang $7.50, may "one-day fun pass" na ako na puwede kong gamitin kahit ilang beses sa isang araw, mapa-bus o subway.

pag bumaba ako sa 34th street station, mapupuntahan ko ang empire state building. sa tuktok nito ay makikita ko ang "bird's eye view" ng manhattan.



pag bumaba naman ako sa 72nd street station lulan ng e-train, masisilayan ko ang apartment ni john lennon kung saan siya binaril, at pagtawid ko naman sa central park ay makikita ko ang "strawberry fields" na alay sa dakilang miyembro ng beatles na ito...



at pagbalik ko naman sa times square, kung saan nakakahilo ang dami ng mga turista, nakita ko ang hubad na koboy (naked cowboy) na pinagmamalaki ang magandang hubog ng katawan habang tumutugtog ng gitara.



sana'y naaliw kayo sa mga litrato ng pagliwaliw ko sa new york!

30 vandalized my wall:

Anonymous said...

hindi naman giniginaw si naked cowboy?

fortuitous faery said...

haha, hindi pa naman...summer kasi dito ngayon eh. tsaka sanay na siya na kakaunting saplot lang meron sa katawan. :P

Anonymous said...

as always, naaliw at marami na naman akong natutunan sa pagliliwaliw mo :)

happy thursday!

Anonymous said...

Ang dami nga mapupuntahan diyan. The best ang view sa Empire State Building pero kakaiba din naman ang view ke cowboy, hehe :)

Normz said...

hehehe bakit naman nakahubad yan bigyan mo nga ng damit baka walang pambili kawawa naman...Ganda ng New York.. malapit lang sana sa lugar ko kaya lang kailangan ko ng passport patungo dyan .. ehh wala ako ehh, bisita ka sa bahay ko ha..salamat..

Anonymous said...

almost everybody loves new york, including me. happy thursday!

fcb said...

ayos sa mga litrato!!! galing!!! :)

maligayang LP!

SHIELA said...

sa susunod isama mo ako ha? :)

Anonymous said...

mas gusto ko yung hulng larawan hehehehe ^_^

Dr. Emer said...

Truly a unique city. Nothing like the Big Apple can put such a lasting impression.

Happy LP!

Anonymous said...

nung nagpunta ako, si naked cowgirl ang nandun.... :) happy huwebes... :)

Anonymous said...

hahaha! buti't nakunan mo pa si neked cowby...Lino asan picture ni neked cowgirl :D

nakakaaliw naman ang iyong pagliliwaliw!

http://manillapaper.com/2008/08/lp-going-out/

Mayet said...

ay talagang naaliw lalo na kay cowboy!!he-he!

Anonymous said...

isang beses pa lang ako napunta ng new york, noong 2003. i lab new york!!! :)

happy huwebes!

Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

Anonymous said...

uy si naked cowboy!! may piktyur din kami nyan nung bumisita kami sa ny last year :D

Anonymous said...

i heart NY! :)

totoo ka, kahit nga maglakad lang ang dami mo nang pwedeng magawang liwaliw sa NY.

LP Liwaliw sa MyMemes
LP Liwaliw sa MyFinds

Anonymous said...

di ko nakita ang strawberry fields nung madalaw namin ang ny :D

JO said...

i love time square...

Ito ang aking lahok -- http://www.joarduo.com/2008/08/litratong-pinoy-liwaliw.html

 gmirage said...

Hehe, ayus sa litrato ng kalapati ganda ng view taluktok ng empire state building...pati si ibon namangha!

dedma lang si manang dinaanan s naked cowboy lol.

Naaliw ako sa post mo na to, andaming makikita! kakaiba ang alay sa singer ng 'best song ever written' (daw)

Happy LP!!!! ;-)

M said...

ang cute naman nung pigeon for the "bird's eye view". heehee.

happy weekend!

http://mysilverchair.blogspot.com

Joy said...

sarap ngang magliwaliw sa new york - basta walang bitbit na mga bata! LOL!

Salamat sa pagdalaw sa LP ko!

sweetytots said...

ganda ng kuha ng ibon.. nakakatawa rin ung nagigitara...salamat sa dalaw... dalaw ka ulit ha..

Anonymous said...

lam mo nakita ko si naked cowboy on TV. pumasyal sya dito sa sydney nung umpisa ng winter at ganyan din ang outfit nya. hi hi

Anonymous said...

parang nalibot ko na rin ang new york sa pictures mo! galeng!

Anonymous said...

hehehe, ang saya nman magliwaliw sa new york. :]

salamat sa pagbcta!

Anonymous said...

Dear "Britney", ^__^

My name is Claire. I found your blog online today and I would like to invite you to list it on our Expat Women Blog Directory (www.expatwomen.com/expatblog). It’s free. We would just love to have your blog listed on our site!

I also invite you to join our ExpatWomen.com community (www.expatwomen.com/sign_up.php). Membership is free and enables you to receive our monthly, inspirational newsletter, plus ensures your name is in the running for all of our ExpatWomen.com promotions and giveaways.

Thank you very much and my very best wishes to you,

Claire
Claire@ExpatWomen.com
www.ExpatWomen.com

Jeanny said...

sarap mamasyal sa NY. Salamat sa pag share nito :)

Anonymous said...

gusto ko din pumunta sa new york. para makita ko yung koboy. mwehehehe..

salamat sa comment sa lp ko :D

Anonymous said...

Para na rin akong nakarating sa Big Apple sa entry mo ngayon sa LP. Ganda ng "birds' eye view"

Happy LP
www.luminosity.kadyo.com

Marites said...

nakow..hindi ko nakita sa kowboy hubad noon mapunta kami sa NY. hehehe! kyut siya ha, in fairness:D

Related Posts with Thumbnails