hindi ako nag-atubiling gamitin ang larawan ng isang gorilla na aking nasilayan sa fort worth zoo kamakailan lamang nang kami'y nagbakasyon sa texas. nag-iisa siyang nakaupo sa isang sulok ng kueba na may harang na salamin. tandang-tanda ko na nang kinunan ko siya, naramdaman ko ang lungkot ng kanyang kalagayan...tila ba pinagluluksa niya ang araw na nawalay siya sa kanyang tunay na tahanan. wala siyang pakialam sa mga taong kumakatok sa salamin upang agawin ang kanyang atensyon. kitang-kita ang kalungkutan sa kanyang mukha. gaano katagal na kaya siyang nakakulong dito?
Miss Iggy in Siem Reap
-
Miss ex-Schoolgirl Iggy finally got to explore the Angkor Thom temple
complex in Siem Reap, Cambodia. Achievement unlocked! (She was actually
ecstatic just...
18 vandalized my wall:
Nakakaawang nilalang, bakit sadyang gustong baguhin ng mga tao ang natural na systema ng atin mundo. Hayy!
Magandang Huwebes Kaibigan!
http://edsnanquil.com/?p=673
malungkot nga sya. :(
diba nga kakapunta lang namin ng subic? naisip ko na maganda nga't me nag-aalaga na sa kanila pero feeling ko malungkot pa rin sila dun kasi di naman yun talaga yung bahay nila. yun nga lang, gaya ng kwento nila, kahit na ibalik nila sa wild, nasanay na silang me nag-aalaga sa kanila kaya bumabalik pa rin sila dun sa lugar.
kung iisipin din natin eh kawawa rin ang mga hayop sa zoo, d sila gaanong malaya
anlungkot naman niya...
magandang huwebes sa'yo...
isn't that awful... how i wish he/she had a cellmate ;)
hmmm.... malungkot sya kasi mukha siyang unggoy.
joke lang ha. :)
Baka nami-miss niya si misis at ang pamilyang naiwan ... ;) Kawawa naman.
natawa ako sa comment ni linnor, hahaha!
pero kawawa nga ang mga animals sa zoo. sa isang banda nakakatulong sila sa atin para mas maintindihan natin ang ating relationship sa mga hayop. pero... parang hindi pa rin yata makatarungan na ikulong sila at ilayo sa kanilang natural habitat.
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
natatakot ako sa gorilla or unggoy.. hindi ko alam kung bakit..
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
ay pareho tayo ng lahok! haha!
salamat sa inyong mga komento at opinyon!
sang-ayon ako kay meeya, may pro at con ang mga zoo:
sa isang banda, naaalagaan sila ng mga eksperto sa isang saradong environment, ngunit ang kapalit nito ay ang paglisan nila sa kanilang "natural habitat."
sa panahon ngayon, hindi na natin masisiguro ang kaligtasan ng mga hayop sa mga gubat, dahil na rin sa abuso ng mga tao na walang konsensyang pumapatay sa kanila para sa sariling kasakiman.
I would be sad to if I was behind enclosures . . or is he? He looks intimidating.
haha! love the photo :D
uy, FF, nasa fort worth ka kamaikailan lang? nasa austin ako...malayu-layo rin. hehehe. di pa ako nakarating niya. kawawana naman si goring (gorilla! :D) lungkot na lungkot nga. :(
shiera, i know you're not much of an animal lover! hehe.
yes, chrys, he does look intimidating because that's part of his nature, but he was mostly brooding at the time, so not exactly threatening.
yes, munchkinmommy! was in texas for about a week recently. austin lang ang hindi namin napasyalan.... :(
hope you're having fun!
tunay yan... kalungkutan talaga ang pag-iisa.
Ang ganda ng litrato mo... gusto ko yung effect ng light and shadow. Malungkot nga yung gorilla na yan.
kawawa naman. siguro kung me kasama sya hindi sya masyong malulungkot. samahan ko kaya?
Post a Comment