hindi angkop sa mga bata ang aklat na ito, halata naman sa pamagat, diba? ang librong ito na may lilang letra sa pamagat (na pinalamutian ko ng lilang iris bago litratuhan) ay regalo sa akin ng kaibigan kong malikhain na si gingmaganda, isa sa mga manunulat nito. maaari niyong basahin ang aking munting book review dito, at kung nasa labas kayo ng pinas ay puedeng orderin online dito. (shameless plug na ba? tangkilikin ang panitikang atin!)
at syempre dahil mahilig ako sa bulaklak, eto ang isa pa na "made (este, grown?) in the philippines" sa hardin ng tita ko. medyo nasa "polaroid phase" ako ngayon dahil sa poladroid software na yan. subukan niyo rin minsan, ang saya-saya!
sa larangan naman ng pagkain, ube cake! eto ang birthday cake ng kapatid ko na sinadya pa namin sa jersey city sa pinoy bakeshop doon. walang goldilocks dito sa new jersey, eh...so ito na lang.
nakakita na ba kayo ng lilang manika na igorota? ako, hindi pa, hangga't ipinagkatiwala ito sa akin ni gingmaganda. dinala ko ito pabalik sa new jersey at ipinadala sa isang kwelang ka-blog sa singapore--si the becky--na bagong kasapi ng "sisterhood of the traveling igorota." dalaw kayo doon, ha! samahan niyo kaming mamasyal...salamat po!
36 vandalized my wall:
Masap yung cake na ube lalo na kung may macapuno. Magandang Hwebes!
Ay ube cake, pahingi!
Me bagong dagdag sa sisterhood nya, surely madaming dagdag ako na mkikita! Happy LP!
Natuwa ako kay gingmaganda. Ang tawag ko kse sa best friend ko ay jing ganda. Haha!
Nananakam ako sa ube na cake!
mukhang interesting ang libro na yan---ang ganda pa ng title, "Dagta".:D
ube cakE!!!!me want a slice!:)
miss ko na ube cake! happy lp sa iyo. :)
Ooohhh...I so miss ube cake! Parang gusto ko tuloy lumipad papuntang Red Ribbon o Goldilocks...now na! :)
bigla ako na-curious sa libro hehe
Mukhang maganda ang aklat, naisip ko tuloy si Abby Lee.
Ang ganda talaga ng orchids :)
Paborito ng anak kong lalaki ang ube cake, halaya at ube ice cream.
Hmm...nakakaintriga ang ngalan ng libro ha. Parang nakita ko na ito sa National Bookstore, mahilig akong tumambay doon e. May nakita akong Pinoy bakery sa New Jersey noon, ang sarap ng ensaymada nila. May cke din sila. Malapit sa Lincoln Park ba iyon at linya ng isang simbahan doon. Try mo iyong Red Ribbon Ube-Macapuno cake, super sarap!!!
paborito ko ang ube cake ng red ribbon! yum! :D
eto ang aking lahok: http://paulalaflower.blogspot.com/2009/01/lp-01292009-lila.html
Nakakatuwa naman ,, Ang gusto ko yung Igorota!!!! masilip nya ang site na yan...
Ang daming ube!!! :-)
wow..lahat violet:)
baka pati bahay..violet din? :)
maligayang LP:
nandito ang lahok ko:
http://asouthernshutter.com
Gustong gusto ko yang Igorotang manika! Natutuwa ako sa blog nyo kasama siya.
Ang aking LP ay naka-post dito. Magandang araw ng Huwebes!
ang daming lila!
hmmm... na-curious naman ako sa librong iyan :)
happy LP!
di ko yata pagsasawaan ang ube cake, pati ube flavor ng ice cream na din.
na come across ko na yang igorota na yan na parati kasama sa lahat ng litrato
eto pala yung entry ko
http://hipncoolmomma.com/2009/01/29/lila-violet-35th-litratong-pinoy/
agree ako kay em dy, tapos samahan pa ng ube ice cream. yummy!
ayan na naman ang kakagutom na ube cake na hindi ko pwedeng kainin! waah!
di bale na, eto naman ang aking lahok:
http://www.maureenflores.com/2009/01/litratong-pinoy-lila-violet.html
ka-daming violets ey...
cute ang igorota naka-violet at travelling ha aliw...
Gusto ko rin ng libro ni Gingmaganda!!! At kahit anong kulay, bagay na bagay kay Miss Igorota :)
hmmmm??????????
nakaka intrigang libro :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
wow ube sarap. orchids are nice. check out mine: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp43-lila-violet.html
ganda ng mga entries mo! yummy ang ube cake na yan ah.
Gusto ko yang ube cake yummmm!!! Kumusta po?
My favorite flower.... happy birthday Kristine !
Iris truly is a beautiful flower..and how I wish I can get my hands on that ube cake, yum!!!
yung mga uncle at auntie ko sa jersey city ay mga taga-tangkilik ng Philippine Bread House and Red Ribbon- mga lugar na nagbibigay sa kanila ng lasa ng Pilipinas =]
rrrrrrrrawr. nakakagigili yung aklat na- DAgTA... rrrrrrrrraaaaawr hehe
ang sarap ng cake! happy birthday kristine! hihihi
nakakatuwa talaga itong lahok mo faery. kinailangan ko pang maghanap ng tagasalin ng mga salitang hindi ko naintindihan kagaya ng dagta at lila. Mukha atang nakatulog ako sa klase noong ako ay nag-aaral pa kaya nakalimutan ko ang ibig sabihin ng mga salitang nabanggit. Mabuti nalang at nakahanap ako ng mabisang tagapagsalin ng mga salita sa websayt.
Ang galing naman! nakakatuwa talaga ang mga bumabyaheng manikang igorota! susubaybayan ko rin ang paglalakbay ng lilang manika na igorota.
bilib na bilib ako sa galing at husay niyo sa larangang ito!
kakaiba talaga! hanep!
Nakakatuwa yung kulay lila, pati cake Ang ganda :)
happy weekend!
mukhang masarap yung cake. natakam tuloy ako. hehe. enjoy your weekend!
it could have attracted more readers had it been written in english. however, the trend now seems to be to write in your own language. i believe it has nothing to do much with nationalism, but rather with the desire to express oneself fully.
Nice!
paborito ko yang ube cake!
i'll buy the book. sana readily available sya.
at syempre si miss igorota! namiss ko sya nang sobra!!!
HAPPY WEEKEND!
Post a Comment