9

litratong pinoy#12:balingkinitan



isa siya sa mga artista sa tanyag na musical na "chicago" na tinatanghal sa ambassador theatre sa broadway. nanood ako nito kamakailan lamang at nang matapos ang palabas, may ilang artista na nakihalubilo sa mga manonood--nakipaglitrato at pumirma ng autograph.

kahit hindi ko siya kilala, lumapit na rin ako at inabot ang aking playbill ng "chicago" at isang bolpen. hindi ko akalain na makakapagpa-autograph ako sa isang broadway na bituin. hindi ako handa gaya ng dalawang batang babae na naunang nagpapirma na may bitbit na pentel pen, tig-isa pa sila.

nang paalis na siya ay nakahabol pa akong kunan siya ng litrato. napakabalingkinitan ng kanyang katawan!

nang tinignan ko ang kanyang pirma sa aking playbill, nalaman ko na siya pala si dylis croman at ang papel niya sa palabas ay si "annie." isa siya sa mga babaeng kriminal na kumanta sa eksenang "cell block tango" ("pop, six, squish, uh-uh, cicero, lipschitz") at ang kinanta niyang kuwento ay yung "six."

mas bongga ang movie version ng musical na ito, pero iba pa rin ang live theatre. magaling din ang kanilang live orchesta na siyang nagbigay buhay sa mala-vaudeville na awitin ng palabas.



ito naman ang isa sa mga promo poster ng musical sa labas ng teatro. ito ang larawan ng artistang gumanap kay roxie hart--si michelle dejean. lahat sila naka-itim na lingerie. maliban kay "mama" morton, lahat ng mga babaeng gumanap ay balingkinitan ang katawan.

pero sa totoo lang, naantig ako sa pagganap kay amos hart, yung kawawang asawa ni roxie. naluha nga ako nung kinanta niya yung "mr. cellophane"...at gusto ko siya tuloy bigyan ng isang malaking bear hug! maririnig mo rin sa loob ng teatro yung pagkaawa ng mga tao sa pagbigkas nila ng "aaaaaaaawwww."

9 vandalized my wall:

Marites said...

oo nga naman..balingkinitan ang katawan niya. mahihiya akong tumabi. naku! paborito ko iyang chicago at ilang beses kong pinanood sa sine. siguradong, mas kakaiba sa entablado. sarap sanang makapanood.

Anonymous said...

akala ko isa syang sikat na artista, kamukha siya ni Kirsten Dunst, balingkinitan nga siya...
have a nice day :-)

Anonymous said...

napanood ko ang production na ito nang bumisita ang tropa ng chicago sa charlotte. ang galing ano? ang gumanap pang billy flynn noon ay si john o'hurley. :) sa totoo lang, bongga man ang movie version, mas nag-enjoy ako sa stage (or dahil hindi ko lang type si renee zelwegger, haha!)

happy lp!

LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds

Anonymous said...

mas bilib nga ako actually sa mga artistang gumaganap sa entablado o teatro dahit ito'y walang 'cut', diretso ay walang tigil...pati ang mga awitin at walang retoke. magaling talaga sila.

napaka slender ng katawan niya...isang tunay na balingkinitan

Anonymous said...

Balingkinita nga siya, at malamang magaling kasi nasa entablado nagpe-perform :)

Neri said...

flawless! sana makapanood din ako ng broadway balang araw. gusto ko rin kasi ng live performances. ^^

maligayang paglilitrato! :)

http://gallerianeri.blogspot.com/2008/07/sexy-siesta.html

Anonymous said...

ganda nung unang litrato, parang gumagalaw ang larawan.

fortuitous faery said...

salamat sa inyong mga komento! magaling talaga ang mga gumaganap sa broadway.

pining, oo nga, medyo hawig ni kirsten dunst!

Tes Tirol said...

nakapanood din ako dati sa broadway - broadway centrum nga lang at eat bulaga pa yun :P pero gusto ko yung totoo sana balang araw....

happy lp!

http://teystirol.com/2008/07/10/lp15-balingkinitan/

Related Posts with Thumbnails