meron nang naunang nagpost ng litrato ng pambansang bubuyog ng pilipinas, pero sadyang karapat-dapat siyang isali sa kategoryang ito. bahagi siya ng kulturang pinoy. kaya naman nang nagbakasyon ako sa pilipinas, madalas akong kumain dito. ang branch na ito sa san mateo, rizal ang kauna-unahang kinainan ko.
ang una kong inorder ay yung jolly spaghetti and regular yum na combo meal. at dahil sa jologs ako lalo na pag hawak ko ang camera ko, kinunan ko ng litrato ang pagkain ko. kakaaliw yung korte ng plato. pero mas nakakaaliw malaman na tatlumpung-taon na silang nagpapasaya ng mga pamilya. naalala niyo pa ba yung jingle nila na "i love you sabado"?
walang "langhap sarap" dito sa east coast eh. kailangan ko pang dumayo sa california kung gusto kong kumain ng jollibee. kailan kaya dadapo ang pulang bubuyog na ito sa new jersey? please naman, kahit sa jersey city! haha.
at sa larangan naman ng pampalasing, san miguel beer ang hanap ng mga pinoy saan mang sulok ng mundo. pati kuting ng pinsan ko sa pasig, na-curious sa boteng ito.
walang "langhap sarap" dito sa east coast eh. kailangan ko pang dumayo sa california kung gusto kong kumain ng jollibee. kailan kaya dadapo ang pulang bubuyog na ito sa new jersey? please naman, kahit sa jersey city! haha.
at sa larangan naman ng pampalasing, san miguel beer ang hanap ng mga pinoy saan mang sulok ng mundo. pati kuting ng pinsan ko sa pasig, na-curious sa boteng ito.
maipagmamalaki din ng pilipinas ang mga manika nito, gaya ng coralyn na manika na gawa sa tela, hindi plastik kaya hindi potensyal na safety hazard sa mga bata. binili ko ito para sa aking inaanak na dalawang taong gulang. nagustuhan niya.
at syempre, isa pang manika na maipagmamalaki nating tatak pinoy ay yung igorota na galing baguio.
sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon na ipagbigay-alam na may nilunsad kaming blog ni gingmaganda na bida ang manikang ito! punta naman kayo para masaya!
17 vandalized my wall:
awww. she even has a little bunny!
jollibee!!! yan ang tatak pinoy! :D
uy alala ko yang coralyn dolls, isa pang proudly pinoy din yan. i had that in 5th grade, kimberly pa ang pinangalan ko, hehe.
astig nga tlga ang jollibee. langhap sarap...
wow...super daming tatak pinoy niyan ah? ang cute ni jbee!
Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
Shutter Happenings.
Sana makadaan ka rin!
honga, kilalang kilala na ang san miguel beer ay galing pinas!
Naalala ko si "Jennifer" (yung nawawalang doll sa isang Jollibee commercial noon) doon sa Coralyn doll - Pinoy na Pinoy nga ang lahok mo ngayong linggo! Galeng-galeng naman!!! ;)
ni-feature ko nga rin si pambansang bubuyog sa LP ko. di kasi kumpleto ang pagiging pinoy kapag walang langhap sarap, haha!
bakit nga kasi ayaw nilang magtayo ng jollibee dito sa east coast no? madami naman tayong pinoy dito! :D
LP Tatak Pinoy sa MyMemes
LP Tatak Pinoy sa MyFinds
wahhhhh! I have a 10-year old Coralyn... parehong pareho nang nasa picture! :D
Super sikat kaya ang SMB dito sa HK. HK people prefer it over their cheezy tasting beers. Only a few are aware that SMB is proudly PINOY! :0
hehe! pareho tayo ng lahok! tatak na tatak pinoy talaga!
magandang araw sa'yo!
naku, sisiguraduhin kong makakain sa jollibee pagpunta namin sa california next week! 2nd priority na lang ang disneyland! hahaha!
SMB forever! Yan lang ang kinikilalang beer ng mga pinoy! :)
LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan
salamat sa inyong mga komento!
shiera, so vintage na pala yung design ng coralyn doll na yun! wow! kaya ko napili yun dahil siya lang yung may bunny sa bulsa.
mona, dito sa amerika kailangan sadyain pa yung mga tindahan na may SMB...
munchkin mommy, ikain niyo na lang ako sa jollibee sa california! enjoy your trip!
paborito ko ang spag ng jollibee.
nakakatuwa talaga si igorota! woohoo!!!
happy weekend!
Sabi nga sa commercial ng San Miguel...Kahit Kailan, Kaibigan" beer commercial. I think it is one of the most popular slogans of San Miguel Beer. This tagline is truly Pinoy, on how a Pilipino valued friendship, camaraderie and pakikisama.
Happy LP!
www.luminosity.kadyo.com
peyborit ko si igorota, puede syang pang short film na artista :)
happy lp!
Saan ka po nakabili ng coralyn na rag doll? Naghahanap po ako. Meron ako noong bata ako pero nawala ko po kaya gusto ko po sana makabili uli.
Post a Comment