masuwerte ang mga kabataang nag-aaral ngayon dahil may mga sasakyang puwedeng maghatid sa kanila sa paaralan, gaya nitong traysikel na lulan ang mga mag-aaral na gamit ang knapsack na bigay ng kanilang pampublikong paaralan sa lalawigan ng capiz. ang litratong ito ay kuha noong pebrero nang ako'y nagbakasyon sa pilipinas.
noong kapanahunan ng mga magulang ko, naglakad daw sila sa kanilang paaralan araw-araw na naka-tsinelas lang sa probinsya. malalayong distanya ang tinahak ng kanilang mga paa para lang makapag-aral.
eto naman ang pangunahing gusali (main building) ng unibersidad ng santo tomas sa espaƱa, manila. dito ako nagkolehiyo. binisita ko muli ang aking alma mater noong marso nang malapit na akong bumalik sa amerika. araw-araw ako sumakay ng dyip/FX/bus/traysikel habang ako'y nag-aaral pa dito. gaya ng ibang estudyante, nagbubunyi ako tuwing may bagyo dahil ibig sabihin noon ay walang pasok--lalo pa't mabilis maging karagatan ang palibot ng kampus nito. pero hindi masayang maglakad sa baha na hanggang tuhod!
bumili ako ng jacket na may disenyong "quadricentennial" bilang souvenir dahil magdidiwang ang UST ng pang-apat na daang taong anibersaryo nito sa 2011. sana makauwi ako sa taong 'yon.
at narito naman ang pampublikong aklatan ng new york sa 5th avenue at 42nd st. na malimit kong puntahan. ito ang isa sa dalawang rebulto ng leon na nagbabantay sa harap ng gusali. kadalasan ay may mga exhibit sila na libre para sa mga tao. namangha ako nang una akong pumasok dito dahil akala ko ay nasa loob ako ng katedral o magarbong museo. ang sarap mag-aral dito!
10 vandalized my wall:
wow, ang ganders ng huling larawan, parang ang sarap maglakad diyan. :) grabe naman yung mga batang naka-sabit sa tricycle :(
Ang ganda ng mga litrato mo.
nung nasa wales ako, halos linggo-linggo nasa library ako. nag-uuwi ako ng mga librong babasahin. connected na nga lahat at wireless pero dito sa 'tin, ang mga public libraries ay hindi nag-eenjoy ng ganyang mga facilities. i still have to see a public library here that's at par with the libraries elsewhere in the world.
nag-enjoy ako tingnan ang mga litrato mo :) happy weekend!
you have really nice photos! iphotoshop mo para lalong umangat ang ganda, yung Auto Contrast, Auto Levels at Auto Curves pwede na yun! it can be found in the Image Adjustment settings.
and keep your camera lens clean hihih
sorry na-OC lang ako, kase, yan ang trabaho ko e. paumanhin sa pagiging mahadera. hehe
salamat sa mga papuri! :)
at salamat sa teknikal na abiso, ging! wala akong adobe photoshop eh...adobo meron...haha korni!
mahal kasi ang software dito...kaya kung ano lang meron yung computer ko, yun lang ginagamit kong pang-edit. actually, medyo tamad ako mag-edit...puro raw photos lang pag pino-post ko.
Napanganga ako sa huling larawan. Ang ganda!!! Tiyak na nakakaengganyo ngang mag-aral kung ganyan kaengrande ang iyong kapaligiran.
ayos ung unang kuha!
maligayang LP
Gusto ko ang unang larawan, simbolo ng hirap ng buhay patungkol sa pag-aaral dito sa Pilipinas. Kahit delikado sige lang, basta makapasok.
parang ang sarap namang tumambay dyan sa NY lib. at mukha ngang museo ha.
pero pinakagusto ko rito ang una mong larawan dahil ito ang pinoy na pinoy na pag-aaral. ;)
maligayang paglilitrato! :)
ang ganda nga ng mga kuha!
i miss hogwarts! (the uste main building - though di ko building yun dati) i want to get a jacket and be at the 400 year anniversary, too!
salamat muli sa mga nagkomento.
salamat din sa iyong pagdalaw, prinsesa ody! kapwa tomasino pala kita! (go uste!) :)
Post a Comment