7

Litratong Pinoy#55: Dito Lang (Only Here)

{Scroll below for English translation}*



Dito lang sa kabisera ng Canada--Ottawa--matatagpuan ang Parliament. Pansin namin ng aking kasa-kasamang manika na si Miss Igorota na medyo hawig nitong gusaling ito ang Big Ben sa London. Dito lang mapapanood ang "Changing of the Guards" o pagpapalit ng mga gwardya gaya ng ginagawa sa Buckingham Palace, pero sa Hunyo 27 pa raw ito sisimulan kung kaya't hindi namin ito napanood noong isang linggo.




Dito lang makikita sa harap ng Parliament ang nag-aapoy na fountain na tinatawag nilang "Eternal Flame." Hindi ba pamagat ng kanta 'yon? Kung mapapansin niyo rin ay maraming may bisikleta dito. Dito lang ako nakakita ng maraming nagbibisikleta sa daan pero walang bicycle lane di gaya sa Marikina City.




Dito lang ako nakakita ng higanteng gagamba na tinawag ng iskultor nito (Louise Bourgeois) na "Maman" o Ina sa wikang Pranses dahil ihinahambing daw niya ang kanyang ina sa gagamba. May mga itlog nga sa ilalim nito!




At dito lang sa Ottawa makikita ang Rideau Canal--isang UNESCO World Heritage Site. Pagsapit ng taglamig, nagiging "pinakamahabang skating rink sa buong mundo" ito!



Only here in Canada's capital, Ottawa, will you find the Parliament. Miss Igorota and I noticed the similarity between this building and the Big Ben in London. Only here will you witness the "Changing of the Guards" like they do it in Buckingham Palace, but the ceremonies don't start until June 27th, much to our dismay. Only here in front of the Parliament will you see the "Eternal Flame." Now isn't that a song title as well? Also, only here in Ottawa did I see so many cyclists, but the roads don't have a bicycle lane like they do in Marikina City, Philippines. Only here did I see a giant spider sculpture which the artist calls "Maman," French for mother, because that's what her mom reminds her of. A spider, that is. It has eggs in its sac, too! And only here will you find Rideau Canal, A UNESCO World Heritage Site. In Winter, it becomes the "longest skating rink in the world!"

*I am this week's featured blogger at Litratong Pinoy.

7 vandalized my wall:

julie said...

Galing ng mga pics mo, sarap mamasyal!

Marites said...

Ang galing ng kuha mo sa malaking gagamba:) Naku, pano kaya ang pakiramdam ang mag-skate sa Rideau Canal.

teys said...

salamat sa bisita, sis! mga Arcenas, Dalisay, Tirol ang pamilya ng aking kabiyak sa Capiz... :)

hapi lp!

thess said...

Ano yung building sa likod ng gagamba? maganda sya ha!

;)

Mahalia said...

wala bang ice fishing sa ilog kapag nag freeze over ito? Naku ice fishing is one of our winter past times.

Ang galing nung gagamba. Parang tulad noong malaking stamp sa cleveland, ohio.

Janelle said...

mayroon ding "changing of the guards" at "eternal flame" sa arlington national cemetery sa virginia... yun nga lang... wala silang malaking gagamba!

Ken said...

Napunta ako diyan last year ... di ko nakita ang higanteng gagamba. But the river was terrific. Did you do the river tour?

TY pala sa komento mo sa ilio.ph site ko.

Related Posts with Thumbnails