alam niyo ba na ang niagara falls state park sa niagara falls, new york ang pinakamatandang state park sa buong amerika? bukod pa rito, alam niyo rin ba na ang nagdisenyo ng state park na ito ay si frederick law olmsted, na siya ring arkitekto ng central park sa new york city?
pumasyal kami dito a few weeks ago at nakakatuwang tignan ang mga tulips doon na kakasibol pa lang...palibhasa nasa bandang norte na ang niagara falls kaya medyo delayed ang spring sa kanila!
ang trolley sa unang litrato ay umiikot sa buong state park at $2 lang ang pamasahe...ride all day na yan! hop-on, hop-off. may narrator pa na nagkwekwento tungkol sa mga tanawing dadaanan niyo.
ang mga taong yan ay dumudungaw mula sa observation deck ng bridal veil falls, bahagi pa rin ng niagara falls state park. ang tulay na nasa di-kalayuan ay ang rainbow bridge na siyang magdadala sa iyo sa canadian side ng niagara falls. puede itong lakarin ng mga tao, basta ba may visa kang bitbit for canada!
at siempre, hindi kumpleto ang pasyal sa niagara falls kung hindi ka sumakay sa maid of the mist! ito ang natatanging ferry boat na magdadala sa iyo sa american at canadian falls ng niagara! close encounter ito, kaya lahat ng pasahero ay binibigyan ng kapote! dalawang beses na ako nakasakay dito. may libreng postcard ka pa pag bumili ka ng ticket! pagkatapos ng ride, bagong ligo ang pakiramdam! sakay na!
25 vandalized my wall:
lovely place. Bata pa ko, dream ko na mapuntahan yan soon :0
Love the last shot by the way :)
Happy LP
galing! kaya pala mahal ko pareho ang dalawang lugar na ito! kagila-gilalas ang lakas ng niagara, samantalang ang samyo ng central park ay *kakaiba* =] pareho silang nagbibigay-buhay sa industriyalisadong mundo ng amerika... salamat sa alaala!
Interesting trivia. Ang ganda ng ikatlong litrato! Totoong kayganda nga ng Niagara. Ang mga unang nakapalitan ko ng postcard mula sa Amerika at sa Canada ay postcard ng Niagara ang ipinadala.
Ang ganda ng entry mo, andaming bagong kaalaman :)
wow, ang gaganda ng mga tulips. happy LP!
Ang gaganda naman ng mga larawan, sana makarating din ako diyan, isa yan sa mga pangarap ko, very nice shots, happy LP!!
maganda nga talaga diyan,kaya balak naminb pumunta sa darating na Summer, sana kami ay makaipon ng sapat na panggastos at matuloy ang aming balak. :)
wow, sana makarating din ako sa niagara falls balang-araw. napakaganda!
Ang ganda ng mga kuha mo, lalo na yung 3rd and 4th! Hay, sana madalaw ko rin ang Niagara (both US and Canadian side) ...*wish wish*
Happy LP :)
Parang exciting naman pumasyal diyan - sana magawi din kami diyan balang araw :)
it is simply breathtaking!
It is beautiful. You're fortunate to have visited there.
Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comment. Come back tomorrow for more of Fairhaven!
joy
A Pinay In EnglandYour Love CoachI, Woman
napuntahan ko din ang new york and canadian side ng niagara pero mabilisan lang. natuwa ako sa detalye ng iyong pagkakakwento. naalala ko tuloy ang una't huli kong pagbisita doon. :)
gustung-gusto kong puntahan ito, sana sa madaling panahon.
grabe! ang ganda naman nyan! lalo na yung falls at yung bulaklak. ang kulay! :)
makatawid nga para makita ko naman ang magandang view ng Niagara from NY side. Sa litrato mo pa lang -- mukhang maganda nga.
Happy LP
"Sakay na!"
Pang Sharon Cuneta ah! :)
The tulips look so nice. Very colorful.
Cool...but I don't want to be on that boat...looks scary...
hihi, parang superferry, Sakay Na! ^-^
pag ako ba napunta diyan, ipapasyal mo rin? ^-^
Ang ganda n bagsak ng tubig!Ang gaganda din ng mga tulips!
Sis, pakisend mo naman uli home adres mo sa email ko g_mirage2@yahoo.com - magsesend uli ako postcard after 2 dekada! hehe. Happy LP!
wow, gusto ko ring sumakay sa ferry boat na yan... Happy LP!
ang ganda ng mga kuha mo. gusto ko din makita ang niagara falls from american side. canadian side lang kasi nakita ko pero ang ganda ganda. i was in awe at the beauty of it. :)
ang ganda ng Niagara Falls. Sana mapunta ako dyan.
happy LP
dapat na talga naming planuhin ang pagbisita dito sa parkeng ito!:)ganda ng larawan!
Ang ganda naman! Makakapunta rin ako dyan. =D Happy LP
Post a Comment