20

litratong pinoy#43: paboritong alahas (jewelry)

camel necklace

hindi ako mahilig magsuot ng magagarang alahas. puro costume jewelry lang halos ang meron ako, pero pag hikaw, kelangan tunay dahil allergic ang tenga ko sa peke o fancy earrings...namamaga ito at ang sagwang tignan.

itong kwintas na ginto ay espesyal dahil binili pa ito ng nanay ko sa middle east kung saan siya nagtrabaho dati nung maliit pa kami. nakakatuwa ang design kasi camel--actually tatlong camels ito. nasuot ko yata ito noong high school graduation ko. minsan, ang sentimental value ng isang alahas ang nagbibigay halaga dito, higit pa sa carats.

i'm not a big fan of fine jewelry. i mostly own costume jewelry, but when it comes to earrings, i need real ones (or surgical steel-type) because my ears are allergic to fake earrings.

this gold necklace is special because my mom bought it while working in the middle east when we were still young. the design is adorable because it features camels--three camels, actually. i wore this on my high school graduation. sometimes, it's the sentimental value attached to jewelry that makes it extra-valuable, even more than its carats.

20 vandalized my wall:

Mirage said...

Noon ganyan din ako, ang balat ay sensitibo, kahit hikaw, bracelet, kwintas an suot ko kapag peke ayun me pantal na, pero ngayon nagbago na sumasabay sa krisis eh pumayag na sa hikaw na halagang 10euro hahaha.

Di ko napansin agad yung camels kasi blingbling, ang cute naman!

FickleMinded said...

uy,kakaiba ang charm ng braceletmo,camel,ngayon lang ako nakakita ng ganyan!
LP:Jewelry

thess said...

Ngayon lang din ako nakakita ng camel ang charm, ang ganda nga!

totoo sinabi mo, mas importante ang sentimental value than carats!

happy lp! :)

Pinky said...

Malakas nga kutob ko na galing Gitnang Silangan ang lahok mo - camel kasi e!

Talaga namang mas pinapahalagahan natin ang kahit anong bagay na pinaghirapan - lalo pa ng ating mga magulang at mahal sa buhay.

Marites said...

ganun din ako sa alahas, mas malaki ang halaga kung may sentimyentong kasama. ang kyut naman ng palamuti nyan at kakaiba pa.

Joy said...

Maganda nga!

Maligayang LP!
Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

milet said...

ako din super sensitive na ko. nung bata ako bawal ung peke sa kin. lalo na nung nagkalupus ako. kaya ngaun halos nde na ko nagsusuot ng alahas, wedding ring na lang.

happy LP!

meeya said...

amen, kahit na hindi masyadong magara basta sentimental, mataas talaga ang value. :D

tsaka pareho tayo, allergic din ako sa hindi tunay na hikaw, hehe! kung sa iyo namamaga, ang tenga ko naman nagnanana (ewww!).

happy lp! :)

lino said...

nice jewelry... happy huwebes...:)

SASSY MOM said...

Kakaiba nga ang disenyo. Sabi ko nga galing iyan sa middle east dahil sa mga camel. hehe. Gandang Huwebes!

Munchkin Mommy said...

ako rin allergic ang tenga ko sa hindi tunay na alahas. bata pa ako ganun na! kaya kahit gustung-gusto noong ng nanay ko noong mga fancy na earrings, hindi puwede. hee hee! :D

JoyD said...

Basta may sentimental value ,, masarap i keep,, lalo na yan,,, eto naman ang fave ko http://aussietalks.com/2009/03/litratong-pinoy-paboritong-alahas.html

jennyL said...

uy ang cute ng charm camel hehe

Happy Huwebes! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

luna miranda said...

totoo...mas mahalaga ang sentimental value kaysa carats. nasusugatan din ang tenga ko sa fake jewelry pero suot pa rin ng suot.:D

Linnor said...

mismo. mas pinakaiingatan ko ang bigay sa akin kaysa sa iyong nabili ko. :) cute ng camel charms.

julie said...

Hindi maganda ang ang pakiramdam ng makati ang tenga ano? :(

Happy LP!

Joe Narvaez said...

Wow! Ey salamat po sa pagbati ha hehe. By the way, I like your new blog skin.

jeanny said...

oo nga ganda ng charm. Very unique ang dating!

Happy LP

ces said...

totoo, importante and sentimental value...maging ako tago tago ko pa rin ang mga alahas na bigay ng papa at mama ko...:(

HiPnCooLMoMMa said...

tama ka, mas higit ang sentimental value sa kahit ano pa man

http://hipncoolmomma.com/2009/03/19/paboritong-alahas-42nd-litratong-pinoy/

Related Posts with Thumbnails