24

litratong pinoy#30:kinagisnan (heritage)



bilang isang katolikong bansa, kinagisnan na nating mga pilipino ang pagiging madasalin at relihiyoso. kabilang na dito ang pagsamba sa iba't-ibang imahe ni inang maria, hesukristo at sari-saring mga santo. may partikular na dinadasalan sa iba't ibang hiling sa buhay, gaya ni santo niƱo na nakaberdeng kasuotan para sa masuwerteng pagnenegosyo, si st. jude para sa mga mahihirap na pagsubok (at pag-eeksamen!), atbpa.

narito ang mga imahe at istatwa na simbolo ng ating pananampalataya, mga paninda sa labas lamang ng simbahan ng baclaran (tahanan ng ina ng laging saklolo) sa maynila. isa ito sa mga unang larawan ko gamit ang kauna-unahan kong digital camera noong 2004.



[being a catholic nation, we filipinos grew up as a prayerful and religious people. part of this is worshipping different images of mother mary, jesus christ and the various saints. there are particular saints we implore for special needs in life, such as the child jesus wearing green for good luck in business, st. jude for difficult situations (and exams!), etc.

here are the images and statues that symbolize our faith, sold just outside the baclaran church (national shrine of our lady of perpetual help) in manila. this is actually one of my first photos using my very first digital camera in 2004.]

24 vandalized my wall:

Anonymous said...

Biglako tuloy naalala ang lola ko! Napakaraming Santo sa bahay nya, sa kanya kami natutong magsimba tuwing linggo nuong mga bata pa kami. Ngayon hindi na.

Happy LP!

Anonymous said...

totoo yan...at isang bagay na di dapat kalimutan, db tita thess!*wink*!:)

Joy said...

Totoo! Si MIL nung lumipat dito sa Amerika, dala-dala lahat ng mga santo nya!


Magandang araw!!
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/11/lp-kinagisnan.html

Ken said...

I really love this, it is so baroque, so Pinoy.

Ken said...

Thanks pala for commenting in my carinderia.net/blog

Anonymous said...

amen! :) yung old house namin sa province puro santo, puro antique :) hindi na yata natin maaalis yan sa mga pinoys.

Anonymous said...

Hindi pa ako nakapunta sa simbahan ng St. Jude, pero kapag ako ay naging 30 na at wala pa akong boyfriend, baka mag-novena na ako sa kanya. =)

Eto ang aking lahok, and eto naman ang lahok ng aking kapatid. Magandang araw ng Huwebes!

Anonymous said...

di talaga mawawala sa pananalampalataya ng mga katolikong pinoy ang pagsamba sa mga santo. maligayan LP kapatid na litratista :)

Marites said...

Pinoy na pinoy..lagi akong natutuwa pag nakakakita ng ganito :) ewan ko ba pero tunay ka malakas ang pananampalataya sa Diyos ng mga Pinoy.

Tanchi said...

everything is possible with God:)

maligayang LP

Sidney said...

Hehehe... I first thought it was a painting.
Indeed..very Pinoy !

Four-eyed-missy said...

Hey Conn, bigla akong umusok ng makita ko ang lahok mo! *lol* Juk lang. Ang nanay ko, dahil nga Bikolana, ay madasalin din. Bago ako pumunta ng Cambodia, pinadalhan niya ako ng mga estampita ng Our Lady of Penafrancia na siyang patroness ng Bikol region. Napasimba niya rin ako sa Antipolo a day before my flight.

Anonymous said...

pinoy na pinoy nga naman! :) kinagisnan ko rin ito at lumaking may takot sa diyos, madasalin. :)

Anonymous said...

agree ako dyan...talagang yan na ang kinagisnan ng mga Pinoy. naalala ko tuloy ang simbahan sa Cebu.

narito po ang sa akin: Reflexes at Living In Australia

ian said...

marahil isa pa sa mga dapat nating pagbutihin sa ating pananampalataya ay iyong bawasan ang "pagsamba" sa mga imahe. madalas masyado na tayong nakatuon sa mga imahe ng mga santo o ni Inang Maria na nakakalimutan nating manalangin ng mas taimtim sa mismong Panginoon natin. sa dulo ng lahat, si Mama Mary at mga katuwang na santo ay daluyan lamang ng biyaya- mga padrino kumbaga- at dapat kay Lord tayo mismo dapat magpaka-close...

Anonymous said...

true, true. isa yan sa mga oldest traditions natin as a catholic nation (although hindi kami catholic). happy LP, ff!

JO said...

maligayang LP.
Eto ang aking lahok. Salamat.

 gmirage said...

Totoo, pero same comment as pao =) Happy late LP! hehe

fortuitous faery said...

salamat sa inyong mga dalaw!

sidney: haha, the border does make it look like a painting! :P

zj: hindi pa ako nakakapunta sa bicol....maganda siguro sa shrine of our lady of penafrancia. ako rin dati, nagdasal sa antipolo nung malapit na ako bumalik dito.

ian: may punto ka! mas maigi pa nga ang direktang dasal sa Kanya. :)

Joe Narvaez said...

Andaming imahen. Kumusta po?

Ito po ang lahok ko.

Ibyang said...

kami din sa bahay, hindi makukumpleto kung walang imahe ng mga santo :)

salamat sa pagdalaw.

ibyang

celia kusinera said...

Baclaran ... wow brings a lot of memories like Sunday mass every week.
Tapos kain kami sa Max's restaurant for our family meal. Nandoon pa kaya yon?

Eto naman ang lahok ko:
http://desarapen2.blogspot.com/2008/11/lp-33-kinagisnan.html

Anonymous said...

Ganda ng shot FF!:) sa bahay namin sa pinas hindi nawawalan ng ganyan.Noong nagawi si mother dear dito last summer,hinahanapan nya ako niyan bat daw hindi ako nagsabi at nabilhan man lang daw ako.Sabi ko,wag na hindi naman ako paladasalin!Palagay ko,itong lahok na to ang magpapa konsensya sa akin hehe

Anonymous said...

totoo ngang likas sa ating mga pilipino ang pagiging madasalin. :)

Related Posts with Thumbnails