23

litratong pinoy#28:kadiliman (darkness)



naaaninag niyo ba ang istatwa ng isda sa kadiliman? kuha ito sa marikina riverbanks noong pebrero. walang flash kaya napakadilim ng kuha. ilog ang nasa likuran niya. nagkita kami ng aking mga kaklase sa elementarya isang gabi upang magkantahan sa isang videoke bar dito.

ito naman ang aming pusang magkapatid (siomai at maki), na pag iniwan mo sa kadiliman ay agad maglalaho sila dahil sa kanilang kulay. tinuturing din namin silang buhay na dekorasyong pang-halloween. haha.





[do you see the fish statue in the darkness? this was photographed at the marikina riverbanks last february. i met with elementary classmates for a night of videoke-singing at a videoke bar here.

and here are our cats who happen to be siblings (siomai and maki). they instantly vanish when you leave them in the dark because of their color. we also consider them live halloween decorations. haha.]

23 vandalized my wall:

Anonymous said...

NAtuwa si bunso ko sa mga pusa mo ayan, ayaw umalis sa tabi ko paulit ulit ng sabi: katze, pusa mama! hihi.

Madilim ang balahibo nila pero sigurado ang mata nila umiilaw sa gabi! Happy LP!

Anonymous said...

Kahit madilim kitang kita pa din details sa isda...karpa ba yan? Kamukha sha ng mga isdang pagkain ng mga hapon, may lamang red beans sa loob ;-)

Anonymous said...

Natawa ako sa mga pangalan ng pusa mo - very Japanese at witty ha! :D

Ganda rin ng isda shot mo - ang galing! Ako kasi hirap na hirap kumuha ng magandang litrato pag gabi na.

Anonymous said...

pa-kiss ng kitty cat. happy lp!

Anonymous said...

kita naman ang isda, wag lang sana makita ng 2 pusa hehe:)

Anonymous said...

Hehehe.. bakit di ko naisip ilahok ang litrato ng aming itim na pusa? =)

Ako bihira kong gamitin ang flash kasi mas kuha ang aura ng mga litrato.

Ang aking "madilim" na litrato ay nakapost dito. Sana makadaan ka. Salamat!

Anonymous said...

hehe, cute kitties... happy huwebes... :)

agent112778 said...

pati yung pusa dito itim dim kay bigla ka nalang natatalisod kasi di makitang nakaharang sila sa dadaanan

yup i can see the fish :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

♥peachkins♥ said...

ang cute ng kulay ng mga pusa!!!♥

Nandito po ang sa akin

Happy LP!

Oman said...

ayos naman yung kuha kasi you made the most of the available natural light. ayoko din kasi ng gumagamit ng flash eh pero pag masyado madilim bina-bounce ko yung light by using a cardboard.

Marites said...

parang inaantok pa iyong mga pusa o. naaninag naman ang isda sa dilim:) maganda siguro diyan pag sa araw. maligayang LP!

Anonymous said...

Ang cute nila Siomai at maki! kakaibang 'fruit salad' ha *lol*

Happy Halloween at Happy LP!

marie said...

Ang cute naman ng mga kutings! Happy LP sayo. Kung gusto mong mangilabot, pls. check the mumu on my site.

Anonymous said...

at kapag madilim, yung mga mata naman ng mga kitties ang lumiliwanag, di ba? :D cute nila!

Kadiliman sa MyMemes
Kadiliman sa MyParty

purplesea said...

cute naman nung mga pusa.
Happy LP!

Tanchi said...

salamt sa pg kumento...:)
kudos..;)

Anonymous said...

nakakatuwang malaman na napaganda talagang tuluyan ang ilog sa Marikina...sana'y mabisita naming muli.

cute ng mga kitty catsie!

Eloise said...

cute ng colors at name ng mga pusa mo...kaka-aliw!!!

happy lp

ian said...

ang ganda ng mga pusa! =] parang ang lusog ng kanilang balahibo. parang... naka-head and shoulders sila hehe

ms firefly said...

your cats are sooooooooo cute! i'm so inggit. 'nuff said. and sweet too i must add. :)

inyang said...

i love the name of your kitties ... siomai and maki :D

fortuitous faery said...

salamat sa mga dalaw ninyo!

at ian....shiny hair nga sila, lalo na yung kay siomai...parang nagpa-rebond! haha. :P

Anonymous said...

kyut naman ng pangalan nila siomai & maki :)

Maraming salamat sa dalaw ff:) Happy weekend na lang!

Related Posts with Thumbnails