28

litratong pinoy#27:liwanag (light)



sinong turista ang hindi mabibighani sa liwanag ng naglalakihang mga billboard sa "lungsod na hindi natutulog"? pagsapit ng gabi, dito tunay na nabubuhay ang new york city dahil sa mga ilaw ng mga gusali at mga patalastas na nakakabit dito. at ang pinakamagandang lugar upang matunghayan ito ay ang times square.

sa hilagang bahagi nito ay ang father duffy square kung saan may mga upuan at mesa (larawan sa taas) para sa mga taong gustong tumambay habang napapaligiran ng mga gusali sa times square. sa mga nakaraang buwan na pagdalaw ko dito ay sarado ang father duffy square dahil sa konstruksyon. ngunit kamakailan lamang ay nakita kong bukas na ito muli sa publiko at may magarang sorpresa sa mga tao....ang pulang hagdan ng TKTS. maliwanag ang hagdang ito kaya maingat kang makakaakyat dito.



siempre, ito na ang paboritong "kodakan venue" ng mga turista ngayon...dahil makakaakyat sila sa hagdan na ito para lalong magaganda ang litrato nila sa times square. sa ilalim naman ng hagdan nito ang mga booths ng TKTS para sa mga taong nais makabili ng mas murang tiket sa mga palabas sa broadway. kalahati sa totoong presyo ang benta sa mga tiket dito kung kaya't marami ang pumipila dito.



ito naman ang likod na bahagi ng pulang hagdan, kung saan makikita mo ang aktwal na mga booths ng TKTS. sarado na ito nang kunan ko ng litrato dahil pasado alas-dyes na ng gabi.

pagpasyal ninyo sa new york city, daan kayo sa pulang hagdan, ha?



[which tourist wouldn't be dazzled by the lights of the super-sized billboards of "the city that never sleeps?" when night falls, that's when new york city truly comes alive with the lights of the buildings and the advertisements attached to them. and the perfect place to see all these is times square.

at its northern part is the father duffy square where tables and chairs allow people to lounge there while being surrounded by times square's buildings. during the past months that i visited this area, it was closed because of some construction. recently, however, i saw that it was reopened to the public with a fabulous surprise to the people: the red stairway of TKTS. these steps are illuminated so you can safely climb it.

of course, this is now the tourists' favorite "kodakan venue"...because they can go up the steps for better photos of times square. beneath these steps are the TKTS booths where people can purchase discounted tickets for broadway shows. the tickets are half-priced so lots of people queue here.

and this is the back view of the red stairway where you can see the actual TKTS booths. they're already closed because it was past 10pm when i passed by.

when you visit new york city, drop by the red stairway, okay?]

28 vandalized my wall:

marie said...

Nice photos! How I wish I'll get to see New York someday.

Anonymous said...

lovely photos of nyc. now you make want to fly out to new york. hehehe!

agent112778 said...

sadyang kahanga-hanga ka Faery :)

gusto ko yung unang litrato


eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

Wow! you certainly convinced me to add NY in my wish list of places to visit :)

Happy LP!

Anonymous said...

ayayay! bakit d ko nakita itow!:) pag dalw ko talga syo, pang-p-miss ang dating! i heart NY pa rin!:)

Anonymous said...

the times square area is always a fascinating place to visit. kaya lang ang daming construction sa mga paligid. i wonder when they will end.

Anonymous said...

Thanks for sharing the pictures as they definitely brought back fond memories of family holidays of "long ago" and of the times when my parents were still based in NY...

Have yet to see the red stairs though...hope to get the chance to visit the city that never sleeps again.

Anonymous said...

pag nagpunta ako jan,sisiguraduhin ko rin na hindi lang yung pulang hagdan ang titingnan ko,magdadala din ako ng marmaing berdeng pera! :D

Anonymous said...

Ang ganda ng mga lugar sa larawan mo, maliwanag, makinang. Sana ay patuloy pa din ang pagliwanag niyan sa kabila ng dinaranas na krisis ngayon sa Amerika.

fcb said...

sa tagal kong nasa US noon, hindi ako napabisita sa NY. sana makapunta ako sa susunod kong dalaw :)

Anonymous said...

Ang ganda ng mga photos dito! Ang liwanag nga:)

Anonymous said...

aww kelan kaya ako makakatuntong sa New York. Ang gaganda at maliwanag nga mga ilaw.

Marites said...

oo nga no..kilala ang NY sa ganyang kailawan.

ian said...

kagandahan talaga ang Nuweba York, mapa-araw man o gabi... mahal ko yung siyudad na 'to, maski iilang araw lang ang inilalagi ko sa kanya... hanggang sa muli, NYC! =]

humanda kang pulang hagdanan ka hahaha

happy huwebes!

Anonymous said...

aaaww NYC, my favorite city in the world! pero hanggang tingin lang muna ako sa pics ngayon huhuhuhu. salamat sa mga litrato at sa karagdagang impormasyon ms faery. nakaka-enganyong magtrabaho ng mas maiigi para makaipon pambili ng tiket lol.

magandang araw sayo kapwa litratista!

HiPnCooLMoMMa said...

parang gusto kong lumipad ulit papuntang new york dahil sa mga litrato mo

http://hipncoolmomma.com/?p=2121

Unknown said...

naisip ko lang ang kuryente na ginagamit ng mga billboards na 'to. malamang economy na ng isang maliit na bansa.:D nanjan pa rin ang Mama Mia---yan ang idinayo ko dati sa New York.:)

Anonymous said...

Wow! Photos from the city that never cares how much the monthly electric bill will be... LOL!

NYC truly captures what our LP theme is all about this week. Great photos!

Happy weekend, and hoping to run into you in NYC one of these days. =)

 gmirage said...

lol @dr.emer! well, a scene that one recognizes wherever he/she maybe!!! Buhay na buhay sa gabi!

Anonymous said...

ah yes the city that never sleep. I hope to visit one day. Pag nagkataon kodakan mo ako sa hagdan na yon ha? :)

JO said...

I miss NY! I heart NY!

maligayang paglitrato.

Eto ang aking lahok. Salamat.

fortuitous faery said...

salamat sa inyong mga dalaw!

plaridel: perhaps it will NEVER end!

doc emer: accurate observation! haha.

purplesea said...

sana makapunta rin ako dyan.

Anonymous said...

ang ganda talaga ng times square at ng nyc! okay yang bagong attraction na iyan ha...kulay pula pa!

Anonymous said...

miss ko bigla ang new york. sana sa pagbalik ko duon ay maisama ko na ang aking mga tsikiting para makita rin nila ang liwanag ng mga ilaw dun :)

Anonymous said...

ang saya saya talaga sa nyc! kailan kaya kami makakapasyal ulit jan! it's been 5 years already! :D

Anonymous said...

makes me want to take a bite of that apple :)

salamat sa pagbisita!

Anonymous said...

Oh yes, the BIG APPLE!

Ang ganda sana balang araw makarating ako dyan sa city of lights.

Related Posts with Thumbnails