ang kabaligtaran nito ang ginawa ko. kamakailan lang ay dinayo ko ang bukambibig na pampublikong obra maestra ng danish artist na si olafur eliasson sa lungsod ng new york--bagong atraksyon sa mga turista na binansagang "new york city waterfalls."
ano kamo? mga talon sa new york city? oo...pero artipisyal nga lang na itinayo sa apat na lokasyon sa gawing timog ng manhattan sa may ilog hudson. ito ay bahagi ng proyektong public art fund ng new york at matatagpuan sa tulay ng brooklyn (unang litrato), pier 35 (pangalawang litrato), brooklyn piers at governor's island.
ang eksibisyong ito ay sinimulan noong hunyo at natapos nito lamang oktubre 13, araw ni columbus. mabuti na lang at nakahabol pa ako.
sumakay kami ng circle line downtown na ferry sa south street seaport, ang opisyal na tagahatid ng mga turista sa apat na talon sa ilog hudson. sa halagang $10 ay makikita mo ng malapitan ang bawat talon at may eksklusibong maikling pahayag pa si ginoong eliasson tungkol sa kanyang mga obra.
nagkaroon ng kontrobersya ang mga talon na ito dahil sa "environmental impact" nito sa mga establisyimento at mga panauhin na natalsikan ng maalat na tubig mula sa pagbagsak ng talon, lalo na yung mula sa brooklyn bridge na talon. ang resulta nito ay binawasan ang oras ng pagbuhos ng mga talon.
magarbo...ambisyoso...kahanga-hanga. 'yan ang NYC waterfalls.
[remember that song by the group TLC with the lyrics, "don't go chasing waterfalls?"
i did the exact opposite. just recently, i visited the much talked-about public art masterpiece by danish artist olafur eliasson in new york city--the new tourist attraction known as the "new york city waterfalls."
pardon me, you say? waterfalls in new york city? yes, but they're only artificial and they are built in four different locations south of manhattan in the hudson river. this project is part of new york's public art fund and can be seen at the brooklyn bridge (first photo), pier 35 (second photo), brooklyn piers and governor's island.
this exhibit began in june and ended on october 13th, columbus day. good thing i was still able to catch it.
we rode the circle line downtown ferry which is the official vessel that brings tourists to all four waterfalls in the hudson river. for $10, you can have an up-close view of each waterfall and an exclusive short introduction by mr. eliasson himself about his work.
there was a controversy about the waterfalls concerning its "environmental impact" to nearby establishments and people who got sprinkled with the salty mist coming from the waterfalls, especially those from the brooklyn bridge falls. the result was that they shortened the hours of operation of such waterfalls.
extravagant, ambitious, impressive--that's the NYC waterfalls.]
24 vandalized my wall:
Oo, naalala ko yung kanta ng TLC - blast from the past moment for me ha! :lol:
Kakaiba talaga ang mga uri ng sining sa NY ano? You said it so accurately: extravagant, ambitious and impressive indeed!
gusto o sanang makita ito nung pumasyal kme kamakailan jan, wala nang oras, sayang:( at paborito ko noon ang TLC hehe:)
Ay ang galing naman niyan, kakaiba! Bringing nature to the concrete jungle!
Ang aking lahok ay naka-post na dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
ayos ah, sayang di ko nakita to... next time na pagbalik ko sana nandyan pa yan, hehehe... happy huwebes!!! :)
lino: natapos na ang exhibit na ito noong oct. 13! binanggit ko sa aking post...hehe.
wow. kakaibang man-made na waterfalls talaga yan and i won't mind experiencing one. ganda. lahatna yata kaya simulate ng technology no?
ay baket hindi ko na matandaan yung song na yun....hehehe
ganda ng entry mo...feeling ko tuloy nilamig ako dahil sa falls na yan :)
But nakahabol ka at na experience yan.
happy LP
Nakita ba ng igorota mo ang mga talon na iyan? Ang galing ng nakaisip nito... kaso mukhan ring maraming nabasa lalo't-lao na sa pangalawang litrato... ang lakas ng hangin kasi eh.
bago nga lang siguro yan... o di lang namin nakita noong 2006. :)
salamat at parang naglibot na rin ako ng nyc.
http://moonlight-mom.blogspot.com/
http://linnormarikit.wordpress.com/
Impressive talaga ang project na yan, at uber expensive din ha! Nakita ko sa news yan at talagang napahanga din ako.
Happy LP!
wow ang lufet :)
sana may ganyan sa pinas :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
ang gara naman!
powered with what?
paborito ko ang "waterfalls" those days, oh...takes me back....
ang galing din ng waterfalls na yan, very imressive siguro when you saw it for real!
maganda...magara! ngunit nawa ay di mapalitan ang ating mga natural na waterfalls ng ganitong uri.
maraming salamat!
Astig! Ah so may pondo talaga para sa mga ganun:)Anu naman kaa sa susunod. may nabasa ako wheat field ata diyan din, somewhere:)
Ay gusto ko yung kanta na yun, at literal mong ginawa! Galing ng isruktura na yan ha...sguro matulala ako pag nakita ko!
Happy LP ;-)
Wow! Nakakamangha naman! ;D
Wow! Mukhang nag-eenjoy siya sa bago niyang laruan!
Happy LP! Heto ang entry ko. :D
Nice ... it's as if I am there.
interesting post...sana makapunta din ako dito...
Nandito po ang sa akin..
Happy LP!
paborito kong kanta noon iyan. nadisappoint nga ako ng mabuwag ang grupo nila. tapos namatayan pa sila ng isa. Oo nga ano, kataka-taka na may talon sa NYC:)
nakakatuwa naman ang mga waterfalls na iyan. sayang at panandalian lang. :) kaya naman nakakainlab talaga ang new york. :D
ang galing naman ... i bet that's super expensive! lol. thanks for dropping by! :)
galing! ang ganda pero iisipin mo kung para saan? pero kung artist point of view ok nga talaga. what will they think of next?
Truly amazing...creative...
but sometimes...I ask myself is the money couldn't be spend in a more useful way....
Post a Comment