22

litratong pinoy#21:pilak



inihahandog ko sa inyo ang pinakamalaking kampana sa buong asya, ang "pan-ay church bell" na matatagpuan sa aking probinsya ng capiz. kahit na dito ako pinanganak, ngayong taon ko lang nasilayan ang simbahang ito na umaakit ng mga turista.

ayon sa mga kuwento, ang kampanang ito ay ginawa mula sa 70 na sako ng barya na galing sa mga taong-bayan. kung sapilitan ito o bukal sa kanilang loob ay di tiyak. maaaring gawa sa pilak ang mga barya, maaaring hindi. ngunit sumagi sa isipan ko ang kampanang ito dahil sa awiting "silver bells" na angkop sa tema para sa linggong ito. speaking of "silver bells," hudyat na rin ng buwan ng setyembre ang nalalapit na kapaskuhan!



ang mensaheng kastila na nakaukit dito ay nagsasabing, "ako ang tinig ng Diyos na siyang umaalingawngaw ng papuri mula sa isang dulo ng bayan ng Pan-ay hanggang sa kabilang dako nito, upang ang mga mapanatang tagasunod ni Kristo ay makapasok dito sa Tahanan ng Panginoon at tumanggap ng mga biyaya ng kalangitan."

dahil sa wala akong nakitang postcard na tinda sa national bookstore ng simbahang ito, gumawa ako ng sariling disenyo ng postcard gamit ang mga litrato ko dito. hindi ba't nararapat lang na magkaroon ng postcard ang "biggest bell in asia?"

kung nais niyong magkaroon ng pan-ay bell postcard mula sa akin, pakiemail ang inyong pangalan at address sa conniechiwa@gmail.com. libre po ito, sagot ko rin ang selyo! ang paanyayang ito ay para lamang sa unang sampung tao na mag-eemail ng address nila sa akin. ilagay sa subject ng email: PAN-AY BELL POSTCARD!

*paunawa: huwag akong sisihin kung hindi makarating sa inyo ang postcard dahilan sa 1. kulang ang address na binigay sa akin, o 2. dahil winala ito (sinasadya man o hindi) ng inyong kartero. pag natanggap niyo ang postcard, pakibigay-alam din sa akin sa email na binanggit ko o sa pagkomento sa aking blog.

22 vandalized my wall:

Mayet said...

interesting ang impormasyon--70 sakong barya? grabe!!

Anonymous said...

Grabe and laki ng kampanang iyan! Ayoko yata sa tabi niyan kapag kinalembang, lol!

Magandang araw ng Huwebes sa iyo :)

Anonymous said...

wow, ang laki naman ng kampanang iyan! happy lp sa iyo. :)

Anonymous said...

Danda ng kampana! Buti na lang ito ay hindi na-vandal, yung kamapana sa tuktok ng belfry sa Bantay, Ilocos Sur, tadtad ng vandal! Nakakalungkot!

Naka-post na rin ang LP ko, sana makadaaan ka rin kung may oras ka. Salamat!

Anonymous said...

'kampana ng simbahan ay nanggigising na...' napakaganda nya.

Anonymous said...

malamang ay isang maingay na tunog ang ibibigay nyan sa laki sa tuwing ikakalembang. napakaganda!

Dr. Emer said...

Makasaysayan pala ang silver bell na ito. Happy LP!

HiPnCooLMoMMa said...

ang galing, 70 na sako, dami nun, kaya naman pala pinakamalaki sa asya

http://hipncoolmomma.com/?p=2068

Bella Sweet Cakes said...

aba,, at talagang maalaki nga... ito kaya ay palagiang kinakalembang!!!
Magandang Hwebes sa iyo!!

arvin said...

Grabe, ang laki nga siguro nun. Sana may tao para makita yung comparison:D pangsap atang comment ako pero hindi na ako makikisali sa postcard kasi di talaga makakarating sa akin yan, dahil sa reason number 2, hehehe.

Unknown said...

thanks for sharing the story of this 'silver bell'. naubos siguro ang barya ng mga taga-capiz nong panahong yon.:D

Marites said...

sali ako sa postcard! i-email kita ha:) ito naman ang sa akin para sa LP..http://www.pinaylighterside.com/2008/09/litratong-pinoy17-silver-pilak.html

Anonymous said...

"Bell"-y interesting post! :D

Loved the inscription too :)

Mine's here:

http://chinois972.wordpress.com/2008/09/11/lp-24-pilak/

Anonymous said...

Ang laki nga and thanks for the info! :D Nice shot:)

Dyes said...

ang ganda ng iyong pilak! ito ay napaka antigo at saksi sa maraming alaala :)

Anonymous said...

ang ganda ng mga katagang nakaukit sa kampana. :)

Pilak Bag
Pilak ng Prinsesa

celia kusinera said...

Wow biggest bell in Asia? Sana marating ko rin yan. :)

Anonymous said...

galing ng history ah... proud to have the biggest bell in asia...:)

♥ mommy author ♥ said...

ganda! pati ng istorya ng bell na yan..

bdw, here's mine:

http://www.buhaymisis.com/2008/09/lp-pilak-silver.html
http://whenmomspeaks.com/2008/09/lp-pilak-silver/
http://www.walkonred.com/2008/09/lp-pilak-silver.html

lidsÜ said...

wow! anlaking bell!

magandang araw sa'yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-pilak-silver.html

The Becky said...

Conell!
natanggap ko ang postcard. super natuwa ako, nde nako badtrip (badtrip kasi ako that day. heh). salamat!

agent112778 said...

sayang wala ako nung pilak theme kay now ko lang nabasa :(

ang galing naman. may pilak talaga ang barya noon kaya sigurado may pila yan ;)

Related Posts with Thumbnails