16

litratong pinoy#20:tanso



may koleksyon kami ng aking kapatid ng mga pinitpit na barya o "pressed pennies" mula sa mga iba't-ibang lugar na aming napasyalan. ang mga baryang ito ay nababalutan ng tanso, ngunit sa loob nito ay zinc. yung mga sinauang penny ay sinasabing gawa sa purong tanso.

tuwing kami'y namamasyal sa magagandandang destinasyon ay naniniguro kaming may dala kaming makintab/bagong barya na isang sentimo ng pera ng amerika. sa mga piling lugar na ito ay may matatagpuan kang makina ng "souvenir pennies" na iniimprentahan ng pangalan at larawan ng lugar ang iyong barya. upang gumana ang pagawaan, kailangan maglagay ka ng dalawang "quarter" na barya (25 cents.)

marami na kaming naipong pinitpit na barya na nakalagay sa maliliit na album. ilan lamang ito sa halimbawa ng aming mga "souvenir pennies." kung curious ka, may website na naglilista ng mga eksaktong lugar sa bawat state kung saan may souvenir penny machine.

16 vandalized my wall:

Anonymous said...

Ang ganda ng mga koleksiyon nyo :) Kakaiba.

Anonymous said...

mahanap nga ang mga pennies kong ganito:) oo nga magandang koleksyon!:)

Anonymous said...

kakaiba nga! ngayon lang ako nakakita ng pinitpit na barya, gandang araw ^_~

Marites said...

ay, ganyan din ang aking lahok :) iniisip ko ngang mangulekta, siguro sa susunod kong punta..kakatuwa kasi hehehehe!

Anonymous said...

Ang ganda naman nito. Ako naman, ngayon lang ako nagstart mag-collect mula sa mga lugar na napuntahan ko. Ang sa akin naman key chains.

Eto po ang lahok ko ngayong linggo.

Anonymous said...

hehe, meron din akong pinitpit na barya, san francisco at at. louis yata yun.... maligayang araw ng huwebes... :)

HiPnCooLMoMMa said...

maganda ngang i-collect yan. madalaw nga yung website for future reference..type ko din eh

http://hipncoolmomma.com/?p=2063

Dr. Emer said...

When you collect stuff, you also collect memories.

Happy LP!

http://siteseer.blogspot.com/2008/09/92-percent.html

Anonymous said...

galing! hindi ko naisip ito! may isa pa naman akong nakatago sa pitaka ko galing sa isang theme park sa California! :D

Munchkin Mommy: Kutis Tanso
Mapped Memories: Mga Tansong Paglililok

Bella Sweet Cakes said...

aba,, at magandang koleksyon nga yan.... magandang araw ng Huwebes sa iyo eto ang sa akin http://aussietalks.com/2008/09/litratong-pinoy-tanso.html

Anonymous said...

Kakaibang koleksyon yan ha! :) Ako naman refrigerator magnets ang iniipon kapag nagbibiyahe.

Magandang LP!

Unknown said...

ang galing! marami akong barya galing kung saan-saan pero di pinitpit.:D

Anonymous said...

okey ang collection mo ah!

pusa said...

wow souvenir pennies

hmmm meron nanay ko madami yung mga pisong malalaki at mga 1 cents na yung babae pa yung nakadesign :) tapos pinapagalitan kami pagka pinaglalaruan namin hahahaha

i emailed you already, excited ako sa surprise, hulaan ko pressed penny? hihihi :D thanks

Anonymous said...

ako din may pinitpit na barya sa Sydney at Melbourne :) gandang araw ng LP!

lidsÜ said...

ay! meron din ako dating ganyan! nasan na kaya yun??

Related Posts with Thumbnails