29

litratong pinoy#19:ayoko!



hindi ko alam kung bakit dito sa amerika ay duwag akong magmaneho sa mga interstate highways samantalang nagmaneho naman ako ng stick-shift na kia pregio van sa pilipinas...sa matrapik at masikip na mga lansangan ng metro manila at ilang bahagi ng rizal, at sa NLEX mula manaoag, pangasinan. bukod pa dito ay nag-aral pa ako sa ewan...este, "A-1" driving school sa sm fairview. haha. yung instructor ko lagi akong sinasabihan, "itimpla mo!" sa isip ko, bakit hinahalintulad sa pagtimpla ng kape ang paglipat ng gear mula sa neutral? haha.

maluwag ang mga kalsada dito at mabilis ang daloy ng trapiko, kung kaya't ito ang kasalungat ng driving conditions sa pilipinas. pero ewan ko ba, ayoko talaga magmaneho sa highway! sa local na mga kalsada, ok lang sa akin...lalo na kung papunta sa mall malapit sa amin. hehe.

pero kahapon, sa kadahilanang walang ibang mapakiusapan na imaneho ang pamilya ko at tita ko sa newark airport, ako ang naging driver nila. last resort, ika nga. "kaya mo 'yan!"--sabi ng nanay ko.

kung tutuusin ay 30 miles lang ang layo ng newark airport mula sa amin, o 40-45 minuto...pero linakasan ko ang loob ko at sa awa ng Dios, nakauwi naman ako ng hindi naliligaw. masipat kong tinignan ang mga road signs (78-west...24-west...80-west) at siyempre, nakinig mabuti sa dikta ng GPS. sa mabagal na lane lang ako nakalagi at minimum speed ang patakbo (65 miles/hour).

so, masaya ako sa aking munting tagumpay. dalawang beses ko itong ginawa kahapon dahil magkaiba ang oras ng flight ng mga hinatid ko. woohoo!

29 vandalized my wall:

pusa said...

hmmm mas sanay ka sa trapik at barubal na mga driver? LOL

fortuitous faery said...

haha, ironic no? i think it's just that i like to take things sloooow. :P tsaka takot ako mabangga sa daan.

Anonymous said...

buti ka nga marunong mad drive eh ako marunong mag drive din ahhh.. pero bisikleta lang hehehe.. Happy LP

http://jennysaidso.com/2008/08/lp-ayaw-ko.html

Anonymous said...

Ako di ko kaya magdrive, hindi dahil hindi ko kaya kungdi takot ako sa mga bus, fx, motorsiklo at taxi dito sa Pinas :D

Congratulations pala sa iyo :)

Normz said...

buti kapa marunong ng mag drive ako hindi pa sana makapagdrive na ako soon..

arvin said...

Hindi ako marunong magdrive, makapag-aral nga. Praktis lang yan, para tuluyan nang mawala ang takot:D

Anonymous said...

siguro kasi walang "challenge ang pagd-drive sa amerika? hehehe nakaka-stress talagang mag-drive!

Anonymous said...

Malapit lang din kami nakatira sa SM Fairview! =) Yung kapatid din ng kaibigan ko, ayaw na ayaw mag-drive sa interstates sa Amerika. Nalilito daw siya sa pasikot sikot ng daan. =)

Dito po ang LP ko ngayong linggo. Hapi Huwebes!

Anonymous said...

ako gusto kong mag drive, nag-aral ako, nagda drive ako dito (Tacloban) pero pag uwi sa min sa Manila, ayaw ako pagdrive in ng nanay ko :-s walang tiwala...hehe!! gandang araw!

Bella Sweet Cakes said...

Congrats!!! lakasan lang ng loob yan!!!!!! susunod nyan malayo na mararating mo!!!

Anonymous said...

don't feel bad, you just need to sum up some courage. kaya mo yan, i'm sure. happy thursday sayo!

Anonymous said...

ay ako rin, ayaw kong magdrive sa highway! pero sometimes, di tlga maiiwasan at kelangan mong gawin di ba? Congrats sa achievement mo! :)

Anonymous said...

may classmate po ako nung college, na tumira sa new jersey (ata?) sya din naliligaw sa mga interstate hways dahil talaga namang napaka complicado. di po ako marunong magmaneho kasi pag may kasalubong, pumipikit ako, at hindi ako natutu-tutong "magtimpla" :)

magandang huwebes, eto po ang sa akin:
http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html

Mayet said...

wow congratulations! nag-aral din ako sa atin, pero di pa rin ako nagmamaneho hanggang ngayon dito!

docemdy said...

Congratulations. Magandang Hwebes!

Anonymous said...

naku parehas pala tayo...takot din akong magmaneho sa di ko kabisadong lugar. tama...lakasan na lang ng loob.

yvelle said...

malaki talaga ang tulong ng gps.. congrats!

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-22-ayaw-ko.html

JO said...

sanayan lang yan...

Nandito ang aking lahok.

Anonymous said...

congrats sa iyong 'small' victory :)konti pa, masasanay ka din diyan.

Anonymous said...

ganda naman ng kuha, hehehe.... pasensya na at nahuli, TGIF na... :)

Anonymous said...

maraming nagsasabi, if you can drive in Manila or any major cities in the Philippines, you can drive anywhere in the world at alam mo, naniniwala ako sa kasabihang yan hehehe! kaya mo yan! Newark Airport? Alam ko yan..dyan kami nag-disembark noong 2002.

fcb said...

hehehe :) nakakatuwa ka naman. siguro naging comfy ka sa traffic ng metro manila LOL.

Anonymous said...

congrats!!! ako takot ako magdrive, period. so congrats sa 'yo! ;)

Dr. Emer said...

practice lang ng paractice whenever there's an opportunity. soon enough, you'd realize there's nothing to fear anymore

kudos!

HiPnCooLMoMMa said...

sana tuloy tuloy na yan, dati ayaw na ayaw ko din mag-drive sa highway takot ako sa nlex at south, pero nung namaneho ko na, nawala na takot ko

http://hipncoolmomma.com/?p=2060

Anonymous said...

ang sabi nila, kung nag-drive ka sa manila, puede kang mag-drive kahit saan. kahit holland tunnel... walang problema.

walkonred said...

mas masayang kasiksikan sa daan ang mga barubal na drivers dito sa pinas! hehehehe
iba ang practice driving dito! the best!

eto lahok ko:
http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/

Anonymous said...

naiintindihan kita! ayaw ko ring magdrive sa highway hanggat maaari. pero kapag kailangan, wala na rin akong magawa. hee hee. lakasan lang ng loob. :D hirap kasing makipagsabayan sa mabibilis na sasakyan!

Anonymous said...

pareho tayo. dito sa sydney, duwag na duwag ako magmaneho. ewan ko ba.

happy weekend!

Related Posts with Thumbnails