23

litratong pinoy#16:ako [o parte ko]



para sa temang "ako"...narito ang aking larawan na pinapakita ang magandang bahagi ko: ang aking likod! haha. sa unang larawang ito ay nagpapanggap akong malayo ang tingin sa karagatan ng jones beach sa long island, new york. kuha ito ng aking kapatid noong panahon ng taglagas ng nakaraang taon. kunyari si dora the explorer ako kasi meron din akong "backpack."



ang pangalawang litrato naman na ito ay kuha sa kabatuhan ng pinakamataas na bundok sa new jersey, sa may high point monument noong 2006. bida dito ang lakwatsera kong paa. kung nais niyong matunghayan ang aking kwento tungkol sa pagpasyal ko dito, basahin niyo ang aking lumang entry.


23 vandalized my wall:

Anonymous said...

ay ba't d ka lumingon.. at ang layo ng tingin ha.. sino tinatanaw mo .. Pinas ba? hehe happy LP!!

http://jennysaidso.com/2008/08/lp-ako-meeh-moahhh.html

arvin said...

Maganda nga ang iyong likod:D Hehehe. Pero sana lumingon ka rin para nakita namin ang iyong ngiti:)

Anonymous said...

Awww...bitin! Sayang...pero okay na rin na matunghayan kahit man lang likod mo at siyempre ang mga paa mo :)

Anonymous said...

Miisteryosa naman ng kuhang ito. Uy, ganda ng backpack at ganda ng tsinelas. ;)

Anonymous said...

oonga, kabitin! humarap ka nga naman at baka naman minsan ay nagkasalubong na tayo dyan sa subway:)

Anonymous said...

ang layo nga ng tingin...ang drama.

magandang araw sa iyo.

Maver said...

kewl syat :D

eto po ang aking lahok:

http://maver.wifespeaks.com

Unknown said...

nakatingin ka ba sa kawalan nang kinuha ang litratong 'to?:D pareho pala tayo..may lakwatserang paa.

Anonymous said...

Ay ang ganda ng mga lugar! At ang cute ng paa mo ha :)

Anonymous said...

Hindi lang likod ang maganda pati ang backpack cute talaga, ganda ng place malinaw ang tubig..salamat sa dalaw, ingats

cross eyed bear said...

hilig ko rin magpicture ng paa. hehe!

ms firefly said...

malayo ang tingin nga! :)
ganda ng kuha pa rin, kahit naka-talikod! :)

yvelle said...

magaganda ang iyong larawan..
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-19-ako-up-close-and-personal.html

Anonymous said...

ganda ng likod... hehehe happy LP... :)

JO said...

uy, nakarating na ako sa jones beach. ang ganda diyan.

♥SomethingPurple♥ said...

dali harap ka bilis heheh! type ko ang bag mo hehe!

Marites said...

hehehehe! kakatuwa ka..nakatalikod..mahiyain din kagaya ko:) happy LP!

Anonymous said...

napakagandang lugar!! relaxing. tsaka, ano...ang ganda ng backpack mo :D

Anonymous said...

ganda ng view :)

fortuitous faery said...

salamat sa mga dumalaw! at salamat din sa mga papuri sa backpack ko! hehe. :)

Mayet said...

Hi, Dora!

sana ay marami ka pang marating! ingat lang sa tsinelas.

Dyes said...

hmmm... mukha ngang lakwatsera ang iyong paa! ehehe :) ikumusta mo na lang ako kay boots ;)

SHIELA said...

malayo ang tingin ni miss lakwatsera...sana sa susunod nakaharap na :)

Related Posts with Thumbnails