13

litratong pinoy#15:dalampasigan



mahal ko ang dagat, kaya naman nang umuwi ako sa aking probinsya ng capiz noong pebrero, naligo ako sa baybay beach sa lungsod ng roxas (binansagang "seafood capital" ng pilipinas, kung saan ako pinanganak). natatangi ang makikita mong shells sa dalampasigan doon dahil hugis-apa ("cone") ang mga ito at tinatawag na "torotot" shells. nakakain ang laman nito. namulot ako ng isang plastik ng mga ito at dinala dito sa amerika upang ilagay sa bote at gawing dekorasyon sa aking kuwarto, para na rin magsilbing alaala sa aking bakasyon.



habang naliligo ako sa dagat ay may natatapakan ang paa ko sa ilalim ng tubig na mga lamang-dagat, at ang tawag dito sa ilonggo ay "litog." naluluto rin ang mga ito at nakakain. pumulot ako ng mga ito. mabuhok ang shells nila.

sana ay naaliw kayo sa mga lamang-dagat ng dalampasigan sa aking probinsya.


13 vandalized my wall:

Anonymous said...

yung anak ko favrotie nya mag collect ng seashells pag nag bi beach kami then he'll take it home as a souvenirs.

Dyes said...

wow, ang ganda ng mga kuha mo sa shells :)

Unknown said...

ang gaganda ng shells...sana makarating ako sa roxas someday soon.:D see-food diet ako e (hehe).

ayen said...

Wow! ang ganda! sobra akong nagandahan sa kuha mo. kakaiba siya! :)

♥ mommy author ♥ said...

ang daming shells! ganda ha....

eto naman ang akin:
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html

MrsPartyGirl said...

minsan lang kami nakapag-beach dito sa US na nakapag-ipon kami ng shells at kitang-kita ko kung gaano nag-enjoy ang aking anak sa pamumulot. :) pag nakauwi kami sa pinas, i'm sure lalo siyan mag-eenjoy :)

great pics!

LP Dalampasigan sa MyMemes
LP Dalampasigan sa MyFinds

Anonymous said...

galing nga ng kuha sa shells! at ang daming shells!

ms firefly said...

ilongga kaw? baw. kasimanwa. :)
my dad is from new lucena, my maternal grandma from santa barbara.

lidsÜ said...

masaya talagang mangolekta ng shells sa may dalampasigan :)
magandang araw sa'yo!

Anonymous said...

magandang interpretasyon ng tema ang mga seashells na yan. sa dalampasigan nga lang kasi sila talaga nakikita. :)

fortuitous faery said...

salamat sa mga dumalaw!

yes, binibining firefly...ilongga ako by birth! hehe.

Jeanny said...

kakaibang style naman ang attack mo. Nice one.

Love the nails too :)

Anonymous said...

wonderful pictures!!!!! :)

Related Posts with Thumbnails