para sa temang "kanluran", naisip ko ang mga cowboy ng mga wild west na pelikula at naalala ang aking bakasyon sa texas noong abril. sakto sa kategoryang ito ang fort worth na tinaguriang lugar "kung saan nagsisimula ang kanluran" ("where the west begins"). kung gusto mong makakita ng mga cowboy at mga toro, sa stockyards station ang iyong dapat puntahan.
napatigil ako sa pangalan ng isang tanyag na tao sa lugar na ito, isang huwes na nagngangalang roy bean. ayon sa kasaysayan, binansagan niya ang kanyang sarili bilang "batas sa kanluran ng pecos" ("law west of the pecos"). natuklasan kong isa siyang pambihirang personalidad dahil kahit isa siyang huwes, may-ari din siya ng isang saloon o bahay-lasingan. biruin mo, nang naging huwes siya, ang unang batas na pinatupad niya ay ang patayin ang may-ari ng kanyang kakompetensyang saloon! abusado! isumbong natin kay tulfo!
ang bakya pala na suot ko sa litrato ay gawang-pinoy. isa siyang produkto ng happy feet sandals na binili ko bilang pasalubong sa aking sarili noong umuwi ako sa pilipinas noong pebrero.
napatigil ako sa pangalan ng isang tanyag na tao sa lugar na ito, isang huwes na nagngangalang roy bean. ayon sa kasaysayan, binansagan niya ang kanyang sarili bilang "batas sa kanluran ng pecos" ("law west of the pecos"). natuklasan kong isa siyang pambihirang personalidad dahil kahit isa siyang huwes, may-ari din siya ng isang saloon o bahay-lasingan. biruin mo, nang naging huwes siya, ang unang batas na pinatupad niya ay ang patayin ang may-ari ng kanyang kakompetensyang saloon! abusado! isumbong natin kay tulfo!
ang bakya pala na suot ko sa litrato ay gawang-pinoy. isa siyang produkto ng happy feet sandals na binili ko bilang pasalubong sa aking sarili noong umuwi ako sa pilipinas noong pebrero.
33 vandalized my wall:
historical...
tunay nga mga Cowboy ang nagpatanyag sa katagang West/Kanluranin...
hindi boots ang pinangtapat - happy feet - unique...
sobra naman! as in? uy hindi pa ako nagawi sa Texas...
kamusta po? :)
kapag nga po Texas ang nababanggit eh, wild wild west talaga ang naiisip.. :) tigadito po ako sa San Antonio pero wala pa po akong nakikitang mga cowbpys.. hehehe. :) parang masaya dun sa fortworth ah.. ^_^
makapaglibot nga sa Texas.. :D
You have a lovely foot!
The wild, wild west! Who can forget that. Idol ko si Billy the Kid.
hihi....cute ng paa at tsinelas mo!
Bakit b di ko naisip yan....tamang tama, indians in the west! Ayaw ko lang ng cowboy boots kung deadly weapon ang dating sa tulis hehehe... Happy LP!
Tamang Wild Wild West nga ang lugar na iyan :)
Happy Huwebes sa iyo!
nice entry!
happy thursday :)
ang galing! gawing kanluran nga!
magandang huwebes sa'yo!
Walang sinabi ang entries naman sa happy feet sandal mo! =) Ang galing ng lahok mo, west na west talaga!
Ang aking LP ay nakapost na rin sa blog na ito:
Shutter Happenings
Kung may oras ka, sana makadaan ka! Salamat!
ayos ah... happy huwbes... :)
west na west talaga! :)
Ayos ah, dinala mo ang bakya sa wild wild west :D
Uy, paborito ko din ang Happy Feet. Sarap ilakad :)
ang cute ng feet hehehe.. nice one!
maligayang huwebes. salamat din sa pagdalaw! :)
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-17-sa-gawing-kanluran.html
kahit di ko kilala si roy bean, napangiti ako. kasi nagtaka ako bakit cowboys at bakit wild west ang theme mo. yun pala, mali ako ng intindi sa theme ngayong linggo. kanluran pala ay west, hindi north! haha.
sabaw ang utak ko ngayon. but nevertheless, happy thursday! :)
ang galing ng ideya mo. paano mo pa naman matatalo ang wild, wild west niyan. gusto ko rin yung happy feet touch mo - cool!
ang Stockyards sa Fort Worth, Texas ay must-see pag nagagawi ka sa Dallas/FW area. suki ako ng Stockyards taon-taon at kakaiba rin talaga ang lugar na ito. nakakaaliw! i like your happy feet bakya...yong sa akin medyo luma na.:D
thought i recognized that, haha turns out i was right. and nice pedicure!
salamat sa mga dumalaw at nagkomento! (pati na rin sa admirers ng bakya ko...hehe) :)
ay ang cute ng iyong foot :)
at tama nga, mga tulad ni John Wayne ang nagpasikat ng WEST
western na western!
Billy the kid! ang unang pumasok sa sip ko haha. At ang paa ang umagaw sa pansin ko. Cute!
interesting din pala ang personalidad ng huwes na yan... :)
hi! ganda ng sandal mo gusto ko ang kulay puti.. bisita karin sakin dito http://sweetienormz.blogspot.com
Tita, nakalimutan ko palang sabihin isa ka sa makakatanggap ng postcard!!! Pakibigay lang ng adres mo sa dog_lapss@yahoo.com Chalamat!!! ;-)
ang cute naman at may kasama pang paa sa litrato. :)
ang galing ng shot pati ang bakya na model at din salamat sa info tungkol sa wild wild west!
yeeeeeeehaaaaaa!
galing ng lahok mo ah :) ang cute ni happy feet sandals :D
as for the revised penal code that you saw. my father's a lawyer and i am still an on and off law student :)
take care and happy weekend!
Kahit na noon pala meron na ganyang katiwaling abogado, ano na kaya sasabihin ni Mike enriquez nyan hehehe.
In fairness maganda ang pagka pula ng kuko mo, saan ka nagpapedicure ;D
thank you for visiting my entry.
magandang araw sa iyo!
I love your photos!!!! Your site is now on my favorite blogs list.
howdy! :)
btw, sa west din ba nagsimula ang konsepto ng pedicure? :D
LP Kanluran sa MyMemes
LP Kanluran sa MyFinds
salamat muli sa mga additional na bisita sa larawan ko..
ako mismo ang nagpinta ng kuko ng mga paa ko kaya hindi yan perpekto...haha.
Post a Comment