11

litratong pinoy#9:itay



nais kong ipakilala sa inyo ang aking itay. paborito niya ang pagmamaneho, lalo na ang pakikipagkarera sa daan dahil idolo niya ang mga NASCAR driver. alam niya halos lahat ng modelo ng sasakyan. noong binata pa siya, tumulong siya sa kabuhayan ng kanyang pamilya bilang drayber ng kanilang mga minibus na bumabyahe sa probinsya namin sa capiz (byaheng roxas-estancia). noong panahong yon, hindi pa sementado/aspaltado ang mga kalsada kung kaya't pagkatapos ng byahe mo ay may libreng pulbo ka na sa mukha at buhok dahil sa alikabok ng daan.

habang kami'y nag-aaral pa, tumulong siya sa pagpapalaki sa amin sa pamamagitan ng pagmaneho ng dyip (biyaheng marikina-pasig). sa bandang huli ay nakabili siya ng kotse na ginawa niyang taxi. kabisado niya ang mapa ng buong metro manila kahit anong eskinita o kalye pa ang gusto mong puntahan--wala pang GPS o mapquest noon!

dito sa amerika, naging drayber din siya ng UPS--yung mga kyut na tagahatid ng kahon na naka-kayumangging uniform! naghatid siya ng mga package sa mga bahay at isang shopping mall.

tuwing nagbabakasyon kami sa mga karatig-estado, siya ang aming inaasahang magmaneho, gaya ng chicago, florida, pennsylvania, virginia, at sa labas ng amerika: canada.

sa litratong ito, kasama niya ang aking lakwatserang manika, si miss igorota. nasa texas kami nito noong abril.

p.s. specialty nga pala ng aking ama ang dinuguan!

11 vandalized my wall:

Anonymous said...

nakakaaliw naman at nascar fan pala ang iyong ama! :)

Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama

Anonymous said...

talga naman kinarir na ni itay ang pagmamaneho! dinuguan! yum!

Anonymous said...

bilib ako sa mga tsuper...ingat lang lagi :) ang ganda naman ng katapi ng iyong ama :)

gingmaganda said...

hello daddy!

Lizeth said...

katuwa naman!Ü pop ko din drived a lot! sobrang galing na driver pero maingat pa dinÜ

belated happy father's day to your dad!Ü

Anonymous said...

Ayos, talagang mahilig sa driving, kaya pati trabaho, ganun din :) Galing!

Anonymous said...

Naku, sabihin mo kay tatay na magingat sa pagmaneho. Baka ma crried away siya at humarurot siya sa mga freeway niyo diyan. mahirap mahuli mag overspeeding sa estados unidos. hirap din ma accidente.

nabasa ko din pala yung mama mia post mo. buti naka kuha ka ng discount. mahilig din ako manood ng mga plays kasi eh.

Neri said...

nakakatuwa naman. madalang ang mga taong natutupad ang hilig nila sa kanilang mga trabaho.

maligayang paglilitrato!

fortuitous faery said...

salamat sa mga komento ninyo!

leaps, kahit may kaskasero tendency ang tatay ko, maingat siya pag sa highway at masipat ang mata sa pulis.

hindi pa siya nahuhuli for speeding! (at sana hindi mabahiran ang record)

Tes Tirol said...

uy, ang aking father-in-law ay taga capiz din, baka magkababaryo sila he he

astig si father - Nascar ang hilig! basta wag lang sa bus hehe :)

happy LP!

Anonymous said...

ang sabi nila kapag nag-drive ka sa manila, pwede kang mag-drive kahit saan. wow, wala pang ticket. ako dalawang beses na.

Related Posts with Thumbnails