karaniwan na sa texas ang buhawi o ipo-ipo. ito nga ang sumalubong sa amin nang kami'y nagbakasyon dito noong abril. pilit naming matulog sa bahay ng aming kaibigan sa fort worth buong magdamag sa kasagsagan ng isang "tornado watch." sa awa ng diyos, hindi napinsala ang aming tinitirhan. ayaw naming maging biktima ng "twister!" sa kadahilanang ito, hindi ko makakalimutan ang araw ng pagdating namin sa texas.
nang pauwi na kami sa new jersey, napansin ko ang isang maliit na babala sa buhawi sa tabi ng karatula ng palikuran ng mga babae sa dallas-fort worth (DFW) airport. medyo natuwa ako dahil parang may iba pa silang ibig sabihin nang itabi nila ito sa palikuran ng mga babae. dapat bang maging alerto habang tinutugon namin ang tawag ng kalikasan? at baka sugurin din kami ng puwersa ng kalikasan?
akala ko ay nagpapatawa sila, pero pagtingin ko sa pinto ng para sa mga lalake, meron din silang ganoong logo.

7 vandalized my wall:
haha baka kelangan mabilis kang magtaas ng undies para walang makita in case may dumaan na buhawi :D
katakot naman nyan...dapat mabilisan ang lahat :D
magandang araw sa iyo.
yan ang kinakatakutan kong hangin!
magandang araw sa'yo
hmmm... parang yan yung flow ng water pag nag-flush na! nyehehehe!
happy weekend!
wow meron palang ganyan. thanks for sharing! happy weekend!
tumira din kami ng sandali sa texas pero ngayon lang ako nakakita niyan, hehe. ako rin panigurado kukuhanan ko rin ng litrato yan kasi kakaiba. :D
anyway, at least nabigyan tayo ng babala, hahaha! :)
ang cool!!!! galing!
happy weekend!
Post a Comment