naisipan kong sumali sa isang pangkat ng mga litratista na bawat huebes ay maghahain ng sariling imahe ayon sa nakatakdang tema. bago ako ganap na maging kalahok ng kanilang listahan, kailangan ko munang maghandog ng dalawang larawan. nakasaad sa kanilang alituntunin na ang lahok ay dapat nakasulat sa tagalog. bagamat ang aking blog ay pinanganak sa wikang ingles, wala akong pagtutol dito--tutal, pilipino naman ako.
sa temang "pahaba," nais kong ibahagi ang larawan ng isang kakaibang isda na hindi na bago sa aking paningin. ang tawag dito ay "stick fish," at ito ay kuha sa palengke ng mga daing sa estancia, iloilo noong pebrero. isipin mo na lang na payat na "swordfish" ang mga ito, mahahaba ang nguso at akala mo ay higanteng mga lapis na may buntot. ang haba ng bawat isa ay halos dalawang ruler (2 feet). piniprito ito gaya ng kahit anong daing.
nang dinala ko ito pabalik sa amerika, pinutol ko ang kanilang mga nguso upang umikli at bahagyang gumaan ang aking bagahe.

1 vandalized my wall:
wow! parang ngayon lang ako nakakita nyan...galing ha :)
Post a Comment