16

litratong pinoy#4: umaapoy



pagpasok mo sa mount airy casino resort sa mount pocono, pennsylvania, ito ang kanilang mainit na salubong sa inyo: isang malaking artipisyal na "fireplace" gawa sa kinulayang pira-pirasong mga salamin na hinugis sa lumiliyab na apoy.

mararamdaman mo ang init paglapit dito gaya ng tunay na "fireplace", ngunit mapapalagay ang loob mo dahil alam mong hindi ka mapapaso o matatalsikan ng nagbabagang kahoy. siempre, hindi ka puwedeng mag-ihaw ng marshmallow dito.

ang ganda, 'no? parang may uusbong na phoenix...o kaya si human torch.

16 vandalized my wall:

Anonymous said...

Yan ang fireplace na "child-friendly" - hahaha! :)

Gandang Huwebes sa iyo!

ScroochChronicles said...

ok ah. oo nga, mukhang dyan lalabas si johnny storm :)

see u next LP!

Anonymous said...

ha ha, tama si Pinky, child friendly nga ito

pero maganda sya ha!..salamat for sharing this

Tes Tirol said...

puede bang hawakan? hehehe

gandang 'webes!

Anonymous said...

kahit fake siya mainit pa rin? ang galing naman hehe.

MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy

Anonymous said...

that's quite unusual, and yet it has the flaming effect...

Joy said...

Ang creative ha!
Magandang LP sa iyo.

Anonymous said...

wow, artistic yet practical :) happy lp!

Anonymous said...

magandang araw ng biyernes, pasensya na at late ako, hehehe...

Haze said...

ang galing! sa unang tingin, akala mo totoo siya.

child friendly nga!

happy LP!

lidsÜ said...

ang galing! ang ganda ng kulay!
magandang araw sa'yo!

Anonymous said...

ang galing naman ng naisip nila!!! iwas sunog kasi artipisyal lang.. hehe.. pag malayo tingin ko mga yemas na matamis.. hehe :) mabuhay LP! :)

Anonymous said...

idol ko si human torch.. sana siya ang lumabas.

at, oo, maganda siya!

fortuitous faery said...

maraming salamat sa mga komento at obserbasyon! oo nga no...parang yema din pala...haha!

Anonymous said...

alam mo kung ano ang naisip ko...mga yemang nakabalot sa pula at orange na cellophane! weird ko ano?! :)

fortuitous faery said...

haha, pangalawa ka nang nagbanggit nyan! pati si grey, yun din ang naisip. hehe.

Related Posts with Thumbnails